Ang pagtawag sa aming 24 oras na libreng helpline ay nagbubukas ng pinto sa lahat ng serbisyo ng Womankind.
Maaaring sagutin ng aming mga sinanay na Helpline Advocates ang inyong mga katanungan ukol sa pambubugbog sa asawa o karelasyon, pangangalakal ng tao (Human Trafficking) at sekswal na karahasan o pang-aabuso anumang edad. Nakakapagsalita kami ng Ingles, Espanyol,at mahigit 18 na mga lenggwahe sa Asya at wika, kabilang ang lenggwaheng Tsino, Koreano, Hapon, Hindi, Urdu, Bengali, at Vietnam.
Lahat ng tawag sa Womankind ay hindi makikita ang numero nang tumatawag. Ang mga tauhan ay sinanay na panatilihing kumpidensyal ang mga impormasyon kabilang kung saan sila tumatawag kung may ibang sumasagot ng telepono maliban sa iyo.
Ang mga Helpline Advocate ay maaaring magbigay ng payo at tumulong mapaunlad ang mga pangunahing plano sa pangkaligtasan na maari mong magamit kung hindi ka pa handang humingi ng tulong. Maaari silang magbigay ng impormasyon ukol sa aming serbisyo kabilang ang residensyal na programa, programang nakabase sa komunidad at magbigay ng mga referrals kung kinakailangan. Malaya kang ibahagi ang anumang impormasyon na sa pakiramdam mo ay kumportabe kang ibahagi sa oras ng iyong pagtawag. Kung ikaw ay interesado na patuloy na makakuha ng payo o suporta sa inyong kaso o kailangan ng karagdagang tulong, ang aming Advocate ay maaaring matalaga na makipagtulungan sa iyo ng pangmatagalan. Kung ang Advocate na nakakapagsalita ng iyong lenggwahe ay hindi kagyat na libre, aming tatanungin ang inyong numero at ligtas na oras na maaari kayong tawagan.
Lahat ng tawag ay libre at kompidensiyal.